IHINAYAG ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na inaasaang nasa 150,000 hanggang 200,000 indibidwal ang lalahok sa Pride PH Festival March ngayong taon.
Sisimulan ang float parade ng alas-3:00 ng hapon na magsisimula sa Tomas Morato Avenue at inaasahang aabot sa Quezon Memorial Circle ng alas-6:00 ng gabi.
Ayon kay Quezon City Traffic and Transport Management Head Dexter Cardenas, 14 floats ang kasali sa parade na may tinatayang 20,000 crowd.
“Tatlong areas, yung sa Quezon Memorial Circle as early as 9 o’clock meron ng event d’yan. Matalino Street will be closed to traffic from midnight up to the whole of Saturday and then sa Tomas Morato from Timog to Scout Albano – mga 1 p.m., mag-start yung assembly ng motorcade ng mga floats and participants ng LGBTQIA+ pride parade nila…as early as 3 p.m., expected time of departure nila dun sa area,” ayon kay Cardenas.
Bukod sa local traffic enforcer ng Quezon City government, sinabi ni Cardena, na aagapay din ang Philippine National Police at MMDA upang mandohan ang sitwasyon sa trapiko sa lugar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA