December 26, 2024

200 SENIORS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program kung saan umabot sa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, noong nakaraang Linggo. (JUVY LUCERO)

Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.

Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, noong nakaraang Linggo.

Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna na inireseta ng Department of Health.

“Our vaccination schedule starts at 8 in the morning. We were pleasantly surprised that vaccinees were already lining up for registration as early as 7 a.m. We thank our seniors for their eagerness to have themselves vaccinated and protected from COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Our seniors were prioritized next to frontline health workers for a reason. They are among the most vulnerable groups because their risk of getting infected or dying is higher. Let us not take chances with their health and lives. Let us make sure they are protected from COVID-19,” dagdag niya.

Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng libreng transportasyon sa mga nakatatanda, at mga kasapi ng pamilya na kasama nila, papunta at mula sa lugar ng pagbabakuna.
Muling hinimok ni Tiangco ang mga pamilyang Navoteño na magparehistro sa NavoBakuna COVID-19 website (http://covax.navotas.gov.ph). Maaari rin silang bumisita sa kani-kanilang mga barangay o health center para sa tulong.