Nasa 219 people who use drugs (PWUDs) ang nakapagtapos mula sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang of the City Government of Navotas.
Sa bilang na ito, 13 ang children in conflict with the law (CICL).
Ang dating PWUDs na sumailalim sa anim na buwan online at limited face-to-face counseling ay isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) katuwang ang Narcotics Anonymous.
Samantala, ang 41 naunang nakatapos sa Bidahan ay nakakumpleto ng anim na buwan aftercare program, at 10 ang nakatapos sa 18 months follow-up counseling sessions.
“We are glad that our fellow Navoteños have decided to change their ways. We are also happy for their families and loved ones. To our graduates, feel free to reach out to us or your counsellors any time. Changing for the better is difficult but we are here to support you as you strive to overcome your challenges,” ani Mayor Toby Tiangco.
Sa kabilang banda, pinaalalahanan naman ni Cong. John Rey Tiangco ang mga nakapagtapos na pag-isipang mabuti kung anu man ang kanilang napagpasyahan gawin.
“Your graduation from Bidahan doesn’t mean the end of your problems. Every day would be a struggle, and you need to think carefully what to do next as you continue your journey towards becoming responsible and productive citizens,” aniya.
Nagtatampok ang Bidahan inline program ng mga lecture, group counseling, relapse prevention, as well as multi-family at couple’s counseling and therapy.
Kasama rin sa programa ang 12 steps group study , women’s group, youth/CICL counseling, at mental health awareness.
Ang Bidahan program ay nagsimula noong Oktubre 2016 at mula noon ay mayroong 25 batch na binubuo ng 1,075 na mga kalahok. (JUVY LUCERO)
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON