November 18, 2024

20 PINAY GINAWANG SURROGATE MOM SA CAMBODIA, NASAGIP

NAILIGTAS ng Cambodian National Police ang 20 kababaihan na pinaniniwalaang ginawang surrogate moms sa Kandal Province noong Setyembre 23.

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh, na 13 sa biktima ang nasa iba’t ibang stages ng pagbubuntis at ngayo’y inaalagaan sa isang local hospital habang ang natitirang pito ay nakatakdang pabalikin sa Pilipinas.

Batay sa preliminary interview ng embahada, naganap ang recruitment ng 20 Pinay sa cyberspace ng isang indibidwal na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan at nasyonalidad.

Inasikaso umano nito ang paglipad ng mga babaeng biktima sa mga bansa sa Southeast Asia ngunit kalauna’y ipinadala sa Cambodia.

Ang ginawang pagsagip sa mga Pinay ay alinsunod sa Law on Suppression of Human Trafficking and Sexual Exploitation ng naturang bansa.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Cambodian authorities para sa agarang resolusyon ng kaso.

“The Embassy will continue to cooperate with law enforcement agencies and international partners to resolutely and proactively address human trafficking in all forms,” saad ng embahada