Calatagan, Batangas – Nasakote ang dalawampung indibidwal sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng mga awtoridad ng Calatagan Municipal police station laban sa iligal na sabong ng manok o “tupada” bandang 10:30 ng umaga noong araw ng Linggo sa Brgy. Biga ng nasabing bayan.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina; Richard Adoptante, 40, Darwin Esteron, 45, Romelito Javier, 48, Maricel Jaroy, 37, Josephine Calingasan, Eufrocino Calingasan, 55, Regino Balina, 49, John August Asahan, 24, Emileta , Vilma Mendoza, 50, Francisco Mendoza, 55, Milan Javier, 47, Tranquilino Limoico, 80, Meliton Ruiz, 45, Alvin Mendoza, Manuel Samontanez, 43, Stephen Trinidad ,40, Wilfredo De Lios, 52, at Eduardo Gutierez, 58 anyos.
Base sa ipinadalang report ni Batangas acting- Provincial Director PCol. Glicerio Cansilao kay Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo DC. Cruz, isang tawag sa telepono galing sa konsernadong residente ang nagpa-alam ng nagaganap na “tupada” sa nabanggit na lugar.
Narekober sa mga suspek ang Sampung (10) buhay na manok, apat (4) na patay na manok, pera na nagkakahalaga ng P10,150.00., labing dalawang (12) tari na ginamit sa tupada.
Pansamantalang nakakulong ngayon ang mga suspek sa Calatagan Detention cell facility at sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 o Anti-Illegal Gambling. (Koi Hipolito)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna