DINAMPOT ng mga tauhan ng Manila Police District ang mga miyembro at kaalyado ng LGBTQ+ community ngayong Biyernes sa Mendiola, Manila matapos ang isinagawang protesta kontra anti-terror bill at iba pang mahahalagang isyu.
Kasamang binitbit sa Manila Police District headquarters ang sampung miyembro ng LGBTQ+ rights group Bahaghari, walong kaalyado nila at dalawang driver, ayon kay MPD Chief Public Information Officer Lt. Col. Carlo Magno Manuel.
“Napansin sila ng kapulisan at nilapitan. Tinanong kung may permit at wala silang maipakita,” ayon kay Manuel. “Hindi sila intensyon hulihin.”
Gayunman, isa sa miyembro ang nag-spray umano sa isang pulis kaya nagkaroon ng komosyon.
Ayon naman kay Bahaghari National Spokesperson Rey Valmores Salinas, naging maayos naman ang isinagawang protesta hanggang dumating ang mga pulis sa eksena.
Dagdag pa niya na sumusunod naman sa physical distancing at health standards kontra coronavirus disease (COVID-19) ang mga raliyista nang sila’y hulihin.
Aniya pa na hindi rin sinabi ng MPD sa mga nagpoprotesta kung anong kaso ang isinampa laban sa kanila.
“Hanggang ngayon ay wala pang sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang nilabag namin,” ani ni Salinas sa isang video interview sa Twitter.
AGILA NEWS TEAM
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA