November 24, 2024

2 welder todas loob ng AG&P Shipyard sa Batangas

Bauan, Batangas- Dead on arrival sa Bauan Doctor’s Hospital ang dalawang biktimang welder na natagpuan sa loob ng isang man hole bandang 4:45 ng hapon nuon araw ng biyernes sa AG&P 1st Brgy. Bolo ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jomari Carpio at Rachelle Magsino, mga nasa hustong gulang at parehong residente sa naturang lugar.

Base sa report ni P/MSgt. Ivan Gucci Lavega ng Bauan Municipal Police Station ang imbestigador na may hawak ng kaso isang tawag sa telepono galing sa isang nurse ng nabanggit na ospital ang kanilang natanggap tungkol sa mga biktima ng suffocation insident na agad naman nirespondehan ng mga pulis para magimbestiga at nalaman sa tumatayong testigo na si Warren Gonzales, ang Project Engineer sa lugar ng insidente na bandang 1:30 ng hapon habang kinukumpuni ng mga biktima ang ilalim ng Katapatan Ship na naka dry dock sa nabanggit na lugar ng insidente ng bigla na lamang bumagsak sa loob ng isang man hole ang mga walang malay tao na katawan ng dalawang biktima na meron di pa batid na lasong kemikal. Mabilis naman naisugod sa pagamotan ang dalawang biktima ng mga rumespondeng mga kasamahan subalit hindi na umabot pa ng buhay ayon kay Dr. Client T. Malaluan, dahil umano sa Acute Respiratory Failure, Secondary to Suffocation and Secondary to Toxic substances inhalation ang ikinamatay ng dalawang trabahador na biktima.

Inaalam na din ngayon ng mga otoridad kung may pagkukulang sa mga safety gears at nagiinspeksyon na mga safety officers ang kumpanya ng mga biktima. (KOI HIPOLITO)