November 24, 2024

2 WANTED SA MURDER, TIMBOG NG MARITIME POLICE

Nadakip ng mga tauhan ng Maritime police ang dalawang lalaking wanted sa kasong murder sa magkahiwalay na operation kontra wanted person sa Navotas at Quezon cities.

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Noe Alaquiao alyas “Utoy”, 29, mangingisda ng Blk 29 Lot 8 Squatter Area, Palengke St. Brgy. NBBN.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ng MARPSTA ng impormasyon na nakita ang suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) kaya’t agad bumuo ng team ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Ludovice, kasama ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas Police sa pangunguna ni PSMS Normito Tapon.Bandang alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng operation ang pinagsamang mga tauhan ng MARPSTA at WSS sa Palengke St., NFPC na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Zaldy B Docena ng RTC Branch 170 ng Malabon city dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, natimbog din ng pinagsamang team ng MARPSTA, WSS ng Navotas Police at Special Operation Unit 3 sa hiwalay na operation dakong alas-6:30 ng gabi sa Riversside St., Unit 3, Brgy. Commonwealth, Quezon city si Alger Cervantes alyas “Tricks”, 25, electrician.

Si Cervantes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Madonna Echiverri, Presiding Judge, RTC Branch 80 ng Quezon City para sa paglabag sa Article 248 (Murder) na walang inirekomendang piyansa.