
NALAMBAT ng pulisya ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-2:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Luis Rufo Jr ng manhunt operation sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacen na nagresulta sa pagkakaaresto kay Merlon Casaje, 47, ng electrician ng 1570 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.
Ani PLt Rufo, si Casaje ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 2, 2013 ni Judge Job M Mangente ng Branch 54, Navotas City para sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na P12,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nauna rito, dakong alas-5:10 ng gabi nang madakip naman ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 2 sa joint One Time Big Time (OTBT) operation si Robinson Ramirez, 31, sa kanyang bahay sa No. 53 INT. F Pascual St., Brgy. Tangos South.
Si Ramirez ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Zaldy B Docena ng Branch 170, Malabon City na may petsang November 8, 2021 para sa kasong Qualified Theft.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon