INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Vietnamese nationals na hinihinalang sangkot sa cryptocurrency scam
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sina Phan Thi Lien, 27 at Nguyen Sanh Huy, 28 ay kabilang sa mga dinakip noong Mayo 2023 nang salakayin ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang kumpanya sa Mabalacat, Pampanga.
Sa report ng PNP-ACG, ang dalawa ay nagtratrabaho sa isang crypto scam hub kasama ang employees.
Sinabi ni Tansingco na kinasuhan na ang dalawang dayuhan ngunit sila ay pinanatili sa kostudiya ng arresting agency, ngunit nagtataka aniyà siya kung bakit nakalabas. “Cases were previously filed against them, but their physical custody remains with the arresting agency… *We were surprised to find them in our office, inquiring about the status of their case,” ayon kay Tansingco.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO