Naghahanap ang organizers ng Premier Volleyball League (PVL) ng two venues sa pagkasa ng first conference ng liga.
Balak ng PVL na isagawa ang first conference sa susunod na taon. Hinihintay pa kasi ng liga ang approval ng IATF.
Ayon kay Sports Vision President Ricky Palou, pinagpipilian nila ang Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Gayundin ang Trace College sa Los Baños upang maging venue.
Ang option na ito ay batay na rin sa mungkahi ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra. Ang siste. Magiging bubble type ang format ng torneo.
Idaraos ang volleyball games ng walang audience sa single venue. Tungkol sa pagsasa-ere ng torneo, nakikipag-negosasyon sa magiging TV partner.
Problema kasi ng PVL kung saan ipalalabas ang laro kapag gusto nitong magbroadcast ng live.
“We want to have at least one game day on a weekend. If possible, two game days on a weekend. But nothing is definite yet,”ani Palou.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT