![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-59.png)
Sa kamatayan nagtapos ang buhay ng dalawa sa tatlong suspek na nambibiktima ng mga online seller ng ginto matapos mapatay sa ikinasang entrapment operation sa Cidnyland Resort sa Barangay Mahabang Parang sa Angono, Rizal, nitong Lunes ng tanghali.
Ayon sa ulat, nanlaban umano sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) Provincial Field Unit ang dalawang suspek na inaalaman pa ang tunay na pagkakilanlan matapos masukol sa loob ng nasabing resort.
Samantala, buhay at naaresto naman ang tumatayong frontman ng grupo na si alyas “Patrick,” 25, residente ng Meycauayan, Bulacan.
Ayon sa biktimang online seller na si alyas “Dennis,” na naunang nabiktima noon Nobyembre ng nakaraang taon, modus umano ng mga suspek na magpanggap na mga mayayaman at may ari ng resort na bumibili ng mga gintong alahas pero kapag nakuha na ang mga alahas ay itatakbo umano ito ng mga suspek.
Kaya’t ng muling may tumawag sa kanila gamit ang parehong modus ay agad na silang nakipag- ugnayan sa mga otoridad na naglatag ng entrapment operation laban sa mga suspek.
Sinabi naman ni alyas “Patrick” na nakilala niya ang kanyang mga kasamahan sa loob ng kulungan at nang lumaya sila ay nagsama sama para sa kanilang modus operandi na ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG Rizal Holding and Detention Facility. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Bong Revilla, Villar at iba pa pormal nang inendorso… MGA PAMBATO NI MARCOS SA PAGKA-SENADOR WALANG BAHID NG DUGO, KORAPSYON
Survivor sa “Superman stunt” sa Marilaque binawian ng driver’s license ng LTO
KICK-OFF MOTORCADE RALLY NG ‘ANG BUMBERO NG PILIPINAS’ PARTY-LIST RUMATSADA NA