Hindi pinahintulutan ng Bureau of Immigration ang pagpasok sa Pilipinas ng dalawang Amerikanong pedophile sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ulat na tinanggap ni Immigration Commissioner Norman Tansingco mula sa BI border control and intelligence unit (BCIU), kinilala ang mga naturang mga dayuhan na sina Nathan Lee Woodward, 56-anyos, at Bennison Noveda Flores.
Nabatid na si Woodward ay dumating sa NAIA Terminal 1 noong Enero 27 sakay ng Philippine Airlines flight mula sa Los Angeles.
Ayon sa BI-BCIU, si Woodward ay pinigilang makapasok sa Pilipinas matapos lumabas sa border control information system na nasa derogatory hit ang pangalan nito.
“He was immediately issued an exclusion order and boarded on the next available PAL flight to Los Angeles that very same day,” sabi ni BI-BCIU overall deputy chief Joseph Cueto.
Sa records si Woodward ay nahatulang mabilanggo ng Nevada court noong 1990 sa kasong pang-aabuso sa isang 14 na taong gulang na bata.
Samantala, si Flores ay naharang sa NAIA Terminal 3 noong Pebrero 3 nang dumating sakay ng United Airlines flight mula sa San Francisco. Sa datos, nakalagay sa California State Registry ang pangalan ni Flores matapos makulong sa kasong sexual abuse ng isang bata.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY