UMABOT sa mahigit P44,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa dalawang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot na natimbog sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong mga suspek na sina Allan Tremocha alyas “Allan Pakyu”, 50 at Edwina Moratalla, 46, kapwa ng Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.
Ayon kay Col. Umipig, nakatanggap ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu ang mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, agad ikinasa ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa Kaduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:19 ng madaling araw matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 6.54 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) na P44,472.00, buy bust money at coin purse.
Ani PSSg Ramir Ramirez, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO