KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.5 milyong halaga ng illegal na droga nang matimbog sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Wakwak”, 59 ng Palon St., Brgy. 69 at alyas “Jeff”, 28 ng Galileo St., Brgy., 185.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 72.4 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P492,320.00 at buy bust money na isang tunay P1,000 bill na may kasamang 17-pirasong P1,000 boodle money.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na unang nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang report, kaagad isinagawa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek dakong alas-11:20 ng gabi sa Alley 1st Avenue, Brgy., 120 matapos bintahan ng P18,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Art II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG