January 22, 2025

2 tulak ng droga arestado sa 340K shabu sa Silang, Cavite

KALABOSO na ngayon ang dalawang suspek na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot makaraang masakote ng mga pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ng Cavite Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcemencement Unit (CAV-PPPO-PDEU) at ng Silang Municipal Police Station na nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation laban sa mga suspek nuon hapon ng lunes, November 18, 2024 sa Barangay Bulihan ng Silang, Cavite.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Boss,” 30 taon gulang na nakalista bilang High Value Individual (HVI) at si alyas “Ryan,” 36 anyos isang Street Level Individual (SLI) Drug Pusher’s na parehong residente sa nabanggit na lugar.

Base sa ulat na ipinadala ni Cavite Police Provincial Office (CAV-PPO) Director P/Colonel Dwight E. Alegre kay PRO CALABARZON Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang apat (4) na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu na may bigat na 50 gramo at nagkakahalaga ng standard drug price na P340,000.00, isang android cellular phone at ang ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002. (Erichh Abrenica)