NASAMSAM sa dalawang tulak ng illegal na droga ang nasa P68,000 halaga ng shabu matapos matimbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong mga suspek na sina Joventino Cencil alyas “Batang”, 61 at Nelson Ymas alyas “Bong”, 59, kapwa ng Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.
Sa ulat ni Col. Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Luis Rufo Jr ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos magpositibo sa isinagawa nilang validation ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng dalawa.
Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng droga at nang nila ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Ayungin, Brgy. NBBS Kaunlaran.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang P68,000.00 halaga ng hinihinalang shabu at isahg P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
BILLARAN JUDGE SINIBAK NG SC
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season