June 16, 2025

2 tulak, laglag sa higit P.4M droga sa Caloocan

NASA mahigit P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang mga suspek na si alyas “Bebe,” 20, at alyas “Jeanna,” 21.

Ayon kay Capt. Pobadora, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa surviellance operation.

Nang positibo ang report, ikinasa ng mga tauhan ni Capt. Pobadora ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Brgy  185, Tala Malaria.

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 65 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P442,000.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.