Dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P170K halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief P/Lt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek na sina Robert Sebastian, 43, (Listed), construction worker at Luke Baste Sabate, alyas “Baste” , 19, kapwa ng Brgy. 35, Maypajo.
Ayon kay P/Lt Col. Castillo, nakatanggap ang DDEU ng impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni Sebastian sa lungsod na naging dahilan upang isailalim ito sa surveillance operation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ang buy bust operation sa Block 1 ,Alley 1, Brgy. 35 Maypajo dakong alas-10:40 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek, kasama si Sabate na kasabwat umano nito sa pagbebenta ng droga.
Ani DDEU investigator PCpl Elouiza Andrea Dizon, nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money na isang P500 bill, 30 pirasong P1,000 at 14 pirasong P500 boodle money.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA