Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng bagong hepe ng Navotas City Police na si P/Col. Allan Umipig ang naarestong mga suspek bilang sina Williezer Ramos, 38, fisherman ng Brgy. Tangos South at Raymark Gutierrez alyas “Mac-Mac”, 25, fisherman ng Brgy. Tangos North.
Ayon kay Col. Umipig, dakong alas-11:29 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Badeo 5 St., Brgy. San Roque matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang mga suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,000 halaga ng umano’y shabu at nang tanggapin nila ang marked money mula sa police poseur buyer ay agad silang pinosasan ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 21.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) Php 146,200.00, isang home-made cal. 38 revolver na may dalawang bala, buy bust money na isang P1,000 bill at limang pirasong P1,000 boodle money at itim na sling bag.
Ani PCPT Rufo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunation).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA