Bagsak sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa isinawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Joseph Labungray, 32 ng Tondo, Manila at Raul Santiago , 26 ng GMA, Cavite.
Ayon kay Col. Mina, dakong 11 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Tuna SS-1 ang buy-bust operation sa Tuna St. Brgy. 28, Caloocan City kung saan nagawang makabili ni PCpl Mark Roland Esliza na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, buy-bust money at itim na coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA