SHOOT sa selda ang dalawang tulak ng ilegal b droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga nang matiklo sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Alvin”, 37, tricycle driver ng Tarlac City at alyas “Randy”, 44, jeepney driver ng Brgy. 120, Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD)Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-3:07 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation sa 2nd Avenue, Brgy. 120.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P108,800 at buy bust money na isang P500 bill at 6-pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA