December 24, 2024

2 ‘tulak’ bagsak sa P340K shabu sa Caloocan

NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 51 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P346,800.00 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.

 Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyona ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

Nang makumpirma ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa mga suspek dakong alas-2:06 ng madaling araw sa BMBA Compound, Barangay 120, matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.