Dead on arrival sa pagamutan ang dalawang biktimang construction workers makaraang aksidenteng gumuho at bumigay ang mga bakal na suporta ng poste at matabunan ng buhangin sa kanilang ginagawang construction site bandang 8:50 ng umaga noong araw ng Sabado sa Sitio Porto, Laiya Barangay Laiya Ibabao ng San Juan, Batangas.
Kinilala ang mga nasawi sa aksidente na itinago sa alyas na sina Alyas Mark at Anthony na mga nasa hustong gulang.
Base sa ulat ng mga imbestigador ng San Juan Municipal Police Station isang tawag ang kanilang natanggap galing sa isang concerned citizen at ipinaalam ang nangyaring paguho sa nasabing construction site na agad naman nirespondehan ng mga duty patroller investigator at ayon kay Ginoong Apollo Saligao ang constructlon manager sa lugar ng aksidente narinig umano niya ang mga sumisigaw na trabahador na nahingi ng tulong dahil sa gumuhong poste at nabaon sa ilalim ng buhangin ang dalawang biktima na nahukaay bandang 9:34 am si Mark at 11:06 am si Anthony.
Mabilis naman naisugod sa San Juan District Hospital ng kanilang Safety Officer na si Joel Decatoria, ang mga biktima subalit idineklarang patay na ang mga ito bago pa makarating sa ospital. Inaalam pa ngayon kung naipatupad ang safety standard procedure sa naturang construction site kung saan nangyari ang aksidente na ikinasawi ng dalawang trabahador. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA