Dalawang titulo ang nasargo ni 2-time world champion Dennis “Robocop” Orcollo. Naghari ang Pinoy cue artists sa One Pocket at 10-Ball sa Michael Montgomery Memorial Meet.
Ang torneo ay idinaos sa Snookered Billiards and bar sa Frisco, Texas. Malinis ang record ni Orcollo sa One Pocket. Kung saan, dinaig nito sa final round si Corey Deuel ng USA, 4-3.
Naghabol pa ang binnasagang Robocop mula sa 0-3 na pagkakabaon. Naikasa niya sa 3-3 tie ang iskor. Pagkatapos ay sinilat si Deuel.
NIlikida naman ni Orcollo sa 10-Ball event si Tony Top (7-5). Gayundin si Scott Frost (7-3). Pati ang compatriot na si James Aranas (7-6).
Ngunit, natalo siya kay Shane Van Boening (2-7). Nakaahon si Orcollo sa loser’s kolum. Tinalo nito ang kasamang sio Jeffrey De Luna sa sudden death (6-4).
Mula rito, muli silang nagtuos ni Van Boening sa finals at dito’y natalo na niya ang huli.
Sa losers’ column, rumesbak si Orcollo nang igupo nito ang katropang si Jeffrey De Luna sa do-or-die semis (6-4) para maisaayos ang muling pagtutuos kay Van Boening.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo