
NASAWI ang dalawang katao habang aabot sa pito ang sugatan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan na kinabibilangan ng isang traditional jeepney, e-jeep at sedan nitong Linggo ng umaga sa Quezon City,
Batay Quezon City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente bandang alas-7:00 ng umaga sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue.
Dagdag pa nito, mabilis ang takbo ng traditional jeep na bumibiyahe patungong Novaliches nang bigla itong magpagiwang-giwang at saka tumaob kung saan nadamay ang e-jeep at sedan.
Dead on the spot ang dalawang biktima, habang ang pitong sugatan ay dinala sa malapit na ospital, ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office.
Habang isinusulat ang artikulong ito, pawang ang driver pa lamang ng traditional jeepney ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay