July 1, 2024

2 TESTIGO SA PAGKAWALA NG BEAUTY QUEEN NA SI CATHERINE CAMILLON LUMUTANG  SA CIDG

Nagpakita sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawang hindi pinangalanang testigo at kinilala nila ang Person of Interest sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon na taga Tuy, Batangas,sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.

Base sa report ni CIDG 4A Regional Chief Police Colonel Jacinto “Jack” Malinao kay CIDG Director PMGen. Romeo Carramat, isinalaysay ng dalawang biktima na nakita nila ang duguang katawan  ni Catherine Camilon na may sugat sa ulo noong gabi ng October 12, 2023 sa isang bakanteng lote ng isang subdivision na binubuhat ng tatlong kalalakihan at inililipat sa isang sasakyan kabilang ang police official na person of interest at ang personal body guard nito.

Dahil sa kanilang nakita ay pinanuod  umano nila  ang pangyayari subalit napansin umano sila ng isa sa mga kalalakihan at tinutukan umano sila ng baril ng isa sa mga ito kaya’t nahinto na sila sa panonood sa pangyayari sa kanilang harapan at mabilis umanong umalis ang dalawang sasakyan.

Ayon naman kay  CIDG Director Police Major General  Romeo Carramat bagamat lumilinaw na at sapat na ang ebidensyang hawak nila laban sa police official na Person of Interest sa kaso ay patuloy pa rin silang kumakalap ng ebidensya para maisampa ang kaso sa korte. (KOI HIPOLITO)