December 25, 2024

2 SUMUKONG LIDER NG NPA, ITINURO ANG PINAGTATAGUAN NG MGA ARMAS SA ORIENTAL MINDORO

Dahil sa impormasyon ng dalawang sumukong lider ng NPA kamakailan lang, natunton ng mga sundalo ang lokasyon ng mga armas na ibinaon sa lupa sa Bansud, Oriental Mindoro.

Agad kumilos ang tropa ng 76th Infantry “Victrix” Battalion sa relavant imformation na galing sa dating platoon leader ng Platoon GMT at vice squad leader ng Platun ICM parehong hawak ng Southern Tagalog Regional Party Committee kaugnay sa ibinaon na armas sa Barangay Malo.

Kabilang sa nareboer ang isang M16 Rifle at dalawang anti-personnel mines.

Sa inilabas na pahayag, pinuri ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong ang dalawang NPA leaders na piniling kumalas sa armadong grupo at makipagtulungan sa tropa ng gobyerno upang makamit ang tunay kapayapaan at progreso sa mga komunidad.

Dagdag pa nito na ang matagumpay na pagrekober sa mga armas ay isang testamento ng pagiging epektibo ng local peace initiatives sa mga LGU sa rehiyon.

Hinimok din ni Maj. Gen. Capulong ang mga nalalabing NPA members na abandonahin na ang bayolenteng idelohiya ng CPP-NPA-NDF at tiniyak na susuportahan sila ng gobyerno kung pipiliin ang daan patungo sa kapayapaan, rehabilitasyon at reintegration sa mainstream society.