Nailigtas ng pulisya 11 kababaihan matapos ang isinagawang raid sa dalawang spa na pinaniniwalaang nag-aalok ng “extra service” sa kanilang mga parukyano sa Antipolo City.
Ayon kay Rizal police provincial director Col. Joseph Arguelles, inilunsad ang operasyon laban sa Miyuto Spa at Nitzie Spa, na kapwa matatagpuan sa Barangay Mayamot sa naturang lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagsagawa ang mga elemento ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Desk, sa tulong ng Antipolo City Police ng simultaneous entrapment at rescue operations sa dalawang spa.
Bukod sa masahe, nag-aalok din ang dalawang spa ng “extra service” o sekswal na serbisyo sa halagang P2,000 sa kanilang mga kustomer.
Nadakip sa nasabing operasyon sina Jerson Copio, 31; at Henry Torres Chavez, 27, na haharap sa Department of Justice (DOJ) para sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Anim sa babaeng biktima ay mula pa sa Quezon City, Maynila at Pasig City habang ang lima ay sa Antipolo City.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Camp Crame ang mga nasagip na kababaihan. Sumailalim na rin sila sa assessment ng social worker upang malaman kung kailangan silang iendorso sa shelter o ibabalik na lamang sa kanilang mga pamilya at bibigyan ng posibleng tulong o kabuhayan.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang dalawang spa establishments kung sakaling mapatunayan na sila ay sangkot sa pambubugaw.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY