PATAY ang dalawang security guard makaraang pagbabarilin ng isang gun man na nakasakay sa hindi naplakahang motorsiklo sa loob ng main gate ng Adventist University of The Philippines (AUP) bandang alas tres ng madaling araw nitong Martes, November 21, 2023 sa Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Silang, Cavite.
Kinilala ang mga nasawing security guard na sina Marlon Pilinio at Ron Aldrin Siosa, parehong mga naka-assigned na security sa main gate ng nabanggit na unibersidad.
Base sa kuha ng CCTV sa lugar ng crime scene kasalukuyang nakaduty ang dalawang biktima ng lapitan ng isang hindi pa kilalang suspek na nakasuot ng kulay puting jacket at itim na helmet at pinaputokan ng sunod sunod ang dalawang guwardiya gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril at mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa pamamaril patungo sa direksyon ng Sta. Rosa, Laguna.
Sinubokan pang dalhin sa infirmary section ng eskuwelahan ang dalawang biktima ng mga nakakita sa krimen subalit binawian din ng kanilang mga buhay ang mga biktima sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t -ibang parte ng kanilang katawan. Ayon naman sa pamunoan ng Adventist University of The Philippines na wala umanong direktang kaugnayan sa operasyon ng kanilang eskuwelahan ang nangyaring pamamaslang sa dalawa nilang security guards at kinokondena umano nila ang nangyaring malagim na krimen. (KOI HIPOLITO)
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO