PATAY ang isang security guard makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahang suspek matapos na maglaro ng baril at aksidenteng pumutok at tumama sa ulo ng biktima bandang alas-1:00 ng hapon nitong Miyerkules, Enero 15, 2025 sa Guard House ng Grand Acacia Grove Subdivision, Brgy. Banay-Banay sa lungsod ng Cabuyao, Laguna.
Kinilala ang nasawing biktima na si SG Elmer Calvadorez, 18 taon gulang habang ang suspek naman ay si SG “Christian”, 24 anyos, kapwa residente sa nasabing lunsod.
Base sa inisyal na imbestigasyon sinabi ng suspek na hindi umano niya inakala na may laman na bala ang kanilang pinaglalaruan na issued firearm na caliber 38 revolver na baril na kanyang kinalabit at pumutok tinamaan sa kanyang noo ang biktima na naisugod pa ng mga rumespondeng kagawad ng Rescue Team ng 911 sa Ospital ng Cabuyao subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Kaagad na sumuko ang suspek na guwardiya sa mga Barangay Tanod ng Brgy. Banay-Banay na siyang nagturn over sa mga otoridad ng Cabuyao City Component Police Station at posibleng maharap sa kasong Homicide. (KOI HIPOLITO)
More Stories
5M PINOY WORKERS NANGANGANIB MAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA AI, CLIMATE CHANGE
P3.7-M cellphones at gadgets nilimas ng 6 na magnanakaw sa Bacoor, Cavite
POGO sinalakay sa Silang, Cavite; 23 Chinese at 6 Myanmar nationals arestado