NAARESTO na ng mga awtoridad ang dalawa sa apat na itinuturong suspek sa pagpatay kay National Center for Mental Health (NCMH) director Roland Cortez at driver nito noong Hulyo 27, 2020.
Ayon sa pulisya, noong Hunyo 25 nadakip sa San Mateo, Rizal si Clarita Avila, na dating chief administrative support service officer sa NCMH at sinasabing utak ng krimen.
Habang si George Serrano, na sinasabing driver at bodyguard ni Avila, ay sumuko sa mga pulis noong Hulyo 2.
Ayon sa pulisya, may personal na alitan sa pagitan nina Cortez at ni Avila na siyang pinag-ugatan ng krimen.
Samantala, itinanggi naman ni Serrano ang paratang na driver at bodyguard siya ni Avila. Aniya, nagtatrabaho siya sa NCMH bilang janitor at maintenance man.
Kasalukuyan pang tinutugis ng mga pulis ang dalawa pang suspek sa pangyayari.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna