October 5, 2024

2 sa PISTON 6, nagpositibo sa COVID-19 – Erice

NAGPOSTIBO sa COVID-19 ang dalawa sa anim na jeepney driver ng PISTON na inaresto nitong kamakailan lang dahil sa paglabag sa ordinansa ng siyudad, ito ang kinumpirma ni Caloocan City Representative Edgar Erice.


“Yes, they are now in self quarantine,”  ayon kay Erice.

Hindi binanggit ni Erice ang pagkakilanlan ng dalwang tsuper na nagpositibo sa COVID 19 para sa privacy, subalit sinabi niya na kapwa may asymptomatic ang dalawa.

Ito rin ang kinumpirma ng VJ Topacio, abogado ng tinaguriang PISTON 6, ang dalawang driver na positibo sa COVID 19 ay naka-quarantine na.

Bagama’t hindi niya rin tinukoy kung sino ang dalawang ito, subalit sinabi ni Topacio na hindi kasama ang 72-anyos na si Elmer Cordero sa mga poisitbo sa COVID-19.

Dagdag pa niya na ang anim na abogado ng PISTON 6 ay sumailalim din sa quarantine.