Personal na binisita ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa pangunguna ni Budget Sec. Wendel Avisado, kasama si Congressman John Rey Tiangco ang kasalukuyang ginagawa na 120-unit isolation facility sa Navotas Centennial Park. (JUVY LUCERO)
BINAWIAN ng buhay ang dalawa sa walong nagpositibo kahapon, Setyembre 9, sa COVID-19 sa Navotas, ayon sa City Health Office, habang 40 ang nadagdag sa mga gumaling.
Hanggang kahapon ng 6 pm ay 4,535 na ang tinatamaan ng nasabing sakit sa lungsod. 4,088 sa mga ito ang gumaling, habang 318 ang active cases at 129 ang namatay.
Kaugnay nito, iniulat ni Navotas City Health Officer Dr. Christia Padolina na hanggang Setyembre 6 ay nakapagsagawa na ng swab tests sa 29,029 Navoteño o 11% ng 267,000 populasyon ng lungsod.
Maliban dito, 908 residente ang nai-admit sa dalawang local community isolation facilities, at 1,341 ang nadala sa national isolation facilities hanggang Setyembre 7.
Dagdag pa ni Padolina, naisagawa rin ng mabilis at maayos ang mga cluster activities na contact tracing, swab testing at isolation kaya’t natiyak na mababa ang home at community transmission, at sa pamamagitan ng granular lockdown at regular na pagmo-monitor sa mga kabahayan sa ilalim ng mas mahigpit na quarantine ay nakontrol ang pagkalat ng pandemya.
Samantala, ilan pa sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19 ay ang pagtatalaga ng quarantine enforcement personnel sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas. Kasama rin dito ang mas mahabang curfew hours, pag-iisyu ng home quarantine passes, at pagdampot sa mga lumalabag sa community quarantine protocols.
Maliban dito, nagpasa rin ang pamahalaang lungsod ng 10 city ordinances at 15 executive orders, kabilang ang 24-oras na curfew for minors, mga panuntunan para sa mga negosyong maaaring magbukas sa community quarantine, wastong pagsusuot ng face masks at social distancing, at iba pa.
“Movement restrictions have been relaxed now that we are under general community quarantine. Consequently, people get complacent and this poses a threat to their safety. To keep them protected from the disease, we have tightened our policy on curfew to encourage Navoteños to stay home if they have nothing important to do outside.
We are also strictly implementing the proper wearing of face masks and face shield, if necessary, as well as the practice of social distancing,” ani Mayor Toby Tiangco.
Iniulat ng Navotas City Police na mula Agosto 19 ay 1,297 na ang dinmpot dahil sa paglabag sa curfew, 3,205 para sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask, at 298 dahil sa hindi pagsunod sa social distancing. (JUVY LUCERO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA