October 23, 2024

2 SA 3 PRESO NA PUMUGA SA BILIBID, PATAY NA!

Patay na ang dalawa sa tatlong preso na tumakas sa maximum security compound ng New Bilibid Prison nang mauwi sa engkwentro ang ikinasang manhunt operation.

Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag, nang manlaban ang convict na si Pacifico Adlawan na nakitang nanakbo patungo sa isang creek sa kahabaan ng Manila-Cavite Expressway malapit sa NBP.

Iniulat din ng Muntinlupa Public Information Office ang pagkamatay ng isa pang tumakas na detainee na si Arwin Villeza Bio sa isang pang shooutout malapit din sa MCX.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operations para muling maibalik si Drakilou Yosores Falcon, ang ikatlong convict na tumakas.

Tumakas ang tatlong inmate dakong alas-1:00 kaninang madaling araw. Una nang inilarawan ni Chaclag ang tatlo na “armado at mapanganib.”

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na papasok ang National Bureau of Investigation sa imbestigasyon. Dagdag pa niya, maparurusahan ang mga opisyal ng BuCor kung mapapatunayan na nagpabaya sa tungkulin.

“I will also recommend to the Office of the President that disciplinary action be taken against Bucor officials who may be found guilty of gross neglect of duty,”  wika niya.

Nanawagan naman ang Bucor na tumawag sa 09178049362 at 09186001081 para sa impormasyon sa natitirang pumuga na preso.