TATLONG Filipino sa United Arab Emirates (UAE) ang pinagkalooban ng pardon matapos itong iapela ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa anunsyo ng Malacanang nitong Biyernes, sinabi nito na dalawa sa binigyan ng pardon ay hinatulan na mamatay dahil sa kasong drug trafficking, habang ang isa naman ay nasentensiyahan ng 15-taon na pagkabilanggo dahil sa kasong slander.
Ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil, nakipag-usap si Marcos kay UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan at nagpasalamat ito dahil napagbigyan ang kanyang hiling.
Sumulat si Marcos sa pangulo ng UAE noong Abril 27 para hilingin na i-pardon ang tatlong Pinoy.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD