Nadakip ng mga tauhan ng Malabon City police ang dalawa sa tatlong akusado na umano’y nang gang-rape sa 14-anyos na estudyante sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Quezon Cities, Sabado ng gabi.
Kinilala ni City police chief P/Col. Albert Barot ang mga suspek na si Christ Angelo Dizon, 19 ng Rosita St. at Joshua Dagohoy, 18 ng 650-D-1- Templora St., kapwa ng Brgy. Santulan na nadakip ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Station Intelligence Section (SIS) at Regional Mobile Force Battalion of National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) sa pangunguna P/Capt Ronilo Aquino.
Ani WSS chief P/CMSgt. Gilbert Bansil, dakong alas-9 ng gabi nang madakip si Dizon sa Libis, Baesa, Brgy. 160, Caloocan City habang si Dagohoy ay natimbog ng mga operatiba ng SIS, sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo, bandang alas-9:20 ng gabi sa loob ng Commonwealth Market, Quezon City kung saan siya nagtatrabaho bilang butcher.
Ang mga akusado ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu noong January 12, 2021 ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Rhoda Magdalene Mapili-Osinada ng Branch 289 para sa kasong Rape under Article 1766 o Revised Penal Code.
Base sa record na sinabi ni P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, naganap ang insidente noong September 2020, matapos imbitahan ni Dizon ang biktima na kanyang ka-klase sa high school, na sumama sa kanyang birthday celebration na gaganapin sa kanilang lugar sa Rosita St. Brgy. Santulan.
Napilitan umanong sumama ang biktima matapos malaman na karamihan sa kanilang mga classmate ay imbetado din sa party, kasama ang dalawang akusado.
Matapos magkainuman, bigla nalang nahilo ang biktima at kalaunan ay nakita niya si Dizon, Dagohoy at isa pang suspek na hindi muna pinangalanan na hinalikan at hinahaplos siya.
Nagpumiglas ang biktima subalit, hindi niya kinayang manlaban sa lakas ng tatlong lalaki hanggang sa magawa siyang magahasa ng mga suspek.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT