INANUNSIYO ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong criminal laban sa dalawang Russion national na nagnakaw ng tinatayang P340 milyon halaga ng crypto currency “XRP” mula sa isang local virtual currency dealer.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na isinampa ng mga kaso sa Taguig Regional Trial Court (RTC) laban kina Vladimir Evgenevich Avdeey at Sergey Yashuck dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ang dalawa ay dating consultant ng Coin.ph sa ilalim ng ownership ng BETUR, Inc. Na-hack nila ang system ng kompanya at nagawang makapagnakaw ng 12.2 milyon ng XRP na nagkakahalaga ng P340.735 milyon, ayon sa DOJ.
Engaged ang Coins.ph sa remmitance, transmittal of money, foreign currency exchange at iba pang money transactions.
Nahaharap si Aydeev ng 23 counts ng cybercrimes cases na may itinakdang piyansa na P120,000 bawat count, habang si Yashuck ay nahaharap ng three counts na may tig-P120,000 bawat isa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA