NASAKOTE sa magkahiwalay na manhunt operation ng mga awtoridad ng Batangas Provincial Police Office ang dalawang Regional Most Wanted na may kaso ng paulit-ulit na panggagahasa makaraang silbihan ng kani-kaniyang mga arrest warrant na inisyu ng korte noong araw ng Lunes, November 20, 2023.
Dinakip ng mga tauhan ni Bauan Municipal Police Station Chief Police Lieutenant Colonel Nestor Cusi katuwang ang Regional Intelligence Unit- Provincial Intelligence Team ng Batangas bandang 4:50 ng hapon ang suspek na Most Wanted sa Regional Level ng Calabarzon na si MarJun Mersa, nasa hustong gulang at tubong Mindoro at pansamantalang residente sa Manghinao Proper sa bayan ng Bauan para sa kasong 4 counts of Rape.
Arestado rin ang Rank Number 2 suspek na si alyas Andrew sa Barangay Sta. Clara sa lungsod ng Batangas makaraang maabotan sa kanyang pinagtatagoang lugar ng mga operatiba ng Warrant Section ng Batangas City Police Station, bandang 12:50 ng tanghali para sa kasong 2 counts of Rape.
Pansamantalang nakakulong na ngayon ang dalawang suspek na wanted criminals sa kani-kanilang mga holding and custodial facility at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA