
BINALIBAG sa selda ang dalawang rapist na kabilang sa mga Most Wanted Persons (MWP) sa Caloocan at Valenzuela Cities matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation.
Sa ulat, unang nadakip ang lalaking nahaharap sa dalawang bilang na kasong panggagahasa dakong alas-11:25 ng gabi sa Diamante St. Brgy 170, matapos siyang matunton ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS).
Nabatid na pang-anim sa tinaguriang MWP ang nadakip na akusado sa bisa na rin ng warrant of arrest.
Dakong alas-8:00 ng umaga nang isilbi naman ng mga tauhan ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section, ang warrant of arrest para sa anim na bilang na Statutory Rape in relation to RA.7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Isinilbi ang arrest warrant sa akusado sa loob ng custodial facility ng Valenzuela CPS matapos unang mahuli ang akusado sa hindi nabanggit na kaso.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC