Dalawang teams pa ang sasali sa Philippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Cup 2020. Ang stage nito ay idaraos ito sa November 26 sa Subic.
Ayon kay PSL Chairman Popoy Juico, masaya nilang isinama ang PetroGazz at Motolite. Ang dalawa ng teams ay kabilang sa Premier Volleyball League (PVL).
Susubukan ng mga ito na makipagpaluan sa best spikers mula sa PSL. Ang mga kumpirmadong team sa sasali sa torneo ay ang United Auctioneers, Cignal, Sta. Lucia at F2 Logistics.
Ngunit, inaasahan ni Juico na may sasali pang ibang teams. Ito ay dahil sa umiigi na ang sitwasyon. Akmang-akma sa pagbubukas ng liga, isang buwan bago ito simulan.
“We are really opening our doors to other clubs who are not part of the PSL to make the league bigger and better in the next few years,” ani Juico.
Samantala, hindi na sumali ang PSL teams na PLDT at Marinerang Pilipina. Ito ay dahil sa nag-aalinlangan pa ang mga players sa kawalan ng vaccine sa virus.
Ngunit, tutulong sila sa sponsorships.
“We understand their decision not to join because of our situation right now.”
“The teams are very willing to join, but the players are doubtful because vaccines have yet to be made available,” aniya.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na