NADAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng South Korean nationals sa Makati at Pampanga.
Arestado noong Biyernes ang 56-anyos na si Kang Mingyu, na nahuling nagtatago sa kanyang condominium unit sa Makati City ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng bureau.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naglabas ng warrant para sa pag-aresto sa Korean alinsunod sa summary deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban kay Kang noong 2020 dahil sa pagiging undesirable alien.
“We will immediately implement the order and send him back to his country. He has also been placed in our blacklist which perpetually bans him from re-entering the Philippines,” ayon sa BI chief.
Lumalabas sa recors na ang warrant para sa pag-aresto kay Kang ay inisyu noong June 2022 ng Dongbu district court sa Seoul kung saan kinasuhan siya ng large-scale fraud.
Subject din si Kang ng red notice na inilabas ng Interpol noong 2022 matapos mapag-alaman na nagtungo siya Manila upang iwasan ang pag-uusig.
Ayon sa Seoul authorities, na sa pagitan ng Agosto 2016 at Nobyembre 2019, ay niloko ni Kang at ng kanyang mga kasabwat ang kanilang mga biktima ng higit sa 700 million won, o halos US$600,000, sa pangakong babayaran niya ang kanyang utang sa kanila.
Nilinlang ni Kang ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsasabing na i-invest ang kanilang pera sa kanyang import/export, gold bar trading at real estate business.
Samantala, inireport din ng FSU ang pagkakaaresto kay Jung Youngmin, 51, na nadakma sa Andres Bonifacio Avenue sa Clark, Pampanga noong Sabado.
Inaresto si Jung alinsunod sa mission order mula kay Morente, na inilabas matapos makatanggap ang BI ng impormasyon kaugnay sa nagawa niyang krimen mula sa Korean law enforcement agents.
Subject siya sa inilabas na arrest warrant ng Seoul Nambu District Court sa South Korea noong Setyembre dahil sa pagtatayo ng mga pasugalan, na paglabag sa Criminal Act of Republic of Korea.
Sinasabing kumita siya ng 28.79 billion Korean Won o mahigit sa 23 million USD dahil sa kanyang illegal na aktibidades.
Nagpasalamat si Morente sa South Korean government dahil sa pagbibigay ng imporamasyon kaugnay sa mga krimen na kinasasangkutan ng mga pugante. “Our strong partnership with our foreign counterparts helps us rid our country of these undesirable aliens and ensures justice is served,” pahayag niya.
Kapawa nakakulong si Kang at Jung sa BI warden facility sa Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna