November 18, 2024

2 PUGANTENG SCAMMER NA DAYUHAN, NADAKIP NG BI

Nadakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese at isang Korean national na wanted sa kani-kanilang mga bansa dahil sa scam.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naaresto ng fugitive search unit (FSU) ng bureau sa Mabalacat City, Pampanga noong Hulyo 28 ang Korean national na si Yoo Moon Jong, 53, na isang convicted felon.

Ayon kay Morente pababalikin si Yoo sa Seoul kung saan siya nahatulan ng korte dahil sa fraud at intimidation charges pitong taon ng nakalilipas.

Nahatulan si Yoo matapos malokop ang kapwa Koreano ng mahigit sa US$52,000 noong 2007.

Nadakip din nang araw na iyon ng FSU operatives sa kahabaan ng UN Avenue, Manila ang isang Taiwanese na wanted din sa panloloko sa kanyang bansa.

Inakusahan ang 30-anyos na si Chen Yan Syun ng Yunin district prosecutor’s office sa Taiwan dahil sa mga kasong fraud,

Ayon sa Taiwanese police, miyembro si Chen ng isang money-laundering syndicate na ilang beses na nakapambiktima sa Taiwan.

Nakapiit na ngayon ang dalawang pugante sa dentention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taugig City habang hinihintay ang kanilang deportation.