Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tulong sa pamilya ng dalawang Filipino na nasawi sa COVID-19 sa bansang India.
Inihayag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na agad nilang kakausapin ang pamilya ng dalawang nasawing Pinoy sa India dahil sa COVID-19 para mabigyan ng tulong pangkabuhayan, scholarship at death/burial benefits o ano pang kailangan nilang tulong.
Katuwang nila sa pagmonitor sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) naturang bansa ang Department of Foreign Affairs (DFA). Sinabi ni Atty. Cacdac na sa ngayon ay nasa 1,300 na OFW’s ang nasa India.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA