January 27, 2025

2 Pinoy seafarers patay sa missile attack ng Houthi rebels

Kinumpirma ng gobyerno ang pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers sa nangyaring missile attack noong Miyerkules ng Houthi rebels sa isang cargo vessel sa Red Sea.

“We in the Department of Migrant Workers (DMW) sincerely extend our deepest condolences to the family and kin of our slain, heroic seafarers. For reasons of privacy, we are withholding their names and identities,” ayon sa DMW.

Sa isang pahayag, sinabi rin ng DMW na dalawang Pilipinong tripulante pa ang malubhang nasugatan sa naturang pag-atake na nagdulot ng pagkasunog ng barko sa layong 50 nautical miles mula sa pantalan ng Aden.

Nangako ang DMW na tutulungan ang mga pamilya ng mga tripulante, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa report ng US Central Command, inako ng Houthis ang pag-atake na ikinasawi ng tatlong tripulante ng barko na isang Greek-owned, Barbados-flagged ship na True Confidence.

Ang Houthi rebels ay kaalyado ng Iran, na sumusuporta sa Hamas militants na nakikipaglaban sa Israel sa in Gaza Strip.