Dalawang Pinoy na nahatulan sa kasong drug trafficking ang binitay sa China.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na-execute ang dalawa nating kababayan noong Nobyembre 24, 2023 base sa kumpirmasyon ng Philippine Consulate General in Guangzhou.
“We offer our most sincere condolences to their families and loved ones. We respect the wishes of their families for privacy, and as such are withholding the identities of the two Filipinos,” ayon sa DFA.
“The Department likewise, deferred from immediately announcing this sad development pending receipt from the Chinese side of the formal notification of their execution,” dagdag pa nito.
Nabatid na ang dalawang binitay na Pinoy ay inaresto noong 2013 at nahatulan ng kamatayan noong 2016.
Nagbigay na din ng tulong ang departamento sa lahat ng posibleng tulong, kabilang ang pagbibigay tulong legal sa pamamagitan ng Philippine Consulate General in Guangzhou sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs mula sa kanilang pagkakaaresto.
“The Government of the Republic of the Philippines further exhausted all measures available to appeal to the relevant authorities of the People’s Republic of China to commute their sentences to life imprisonment on humanitarian grounds. There were also high-level political representations in this regard,” ayon pa sa kalatas.
“Our repeated appeals were consistent with the laws and values of our nation, which put the highest premium on human life. In the end, the Chinese government, citing their internal laws, upheld the conviction, and the Philippines must respect China’s criminal laws and legal processes,” dagdag pa ng DFA.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela