
DEAD ON THE SPOT ang dalawang biktima sa nangyaring pamamaril ng isang hindi pa kilalang salarin nitong Sabado (March 15, 2025) sa loob ng Agoncilio Cockpit Arena, sa Brgy. Bagong Sikat sa Agoncilio, Batangas.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jordan Aquino at si Jelo Daño, mga nasa hustong gulang, mga residente sa nasabing bayan, habang ang salarin ay may taas na 5’3, walang buhok sa ulo at nakasuot ng itim na t-shirt at short pants na maong.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Agoncilio PNP at ayon na narin sa mga nakakita bago ang nangyaring madugong krimen, nakita umanong nagtatalo ang biktimang si Aquino at ang suspek na nauwi sa suntukan
Agad namang naawat ng mga nakasaksi, subalit matapos ang nangyaring pag-aaway ay sinundan umano ng suspek ang biktimang si Aquino sa loob ng nabanggit na sabungan at doon pinagbabaril nang malapitan na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng naunang biktima dahil sa mga tinamong mga sugat sa kanyang katawan.
Tinamaan din ng ligaw na bala sa kanyang katawan ang ikalawang biktimang si Daño, na nanunuod lamang sa loob ng sabungan at agad din binawian ng buhay.
Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang ginawang pamamaril na nagtungo sa dipa tukoy na direksyon.
Naglatag na ang kapulisan ng follow up at hot pursuit operation laban sa salarin para agad madakip at alamin ang motibo sa nangyaring krimen. (KOI LAURA)
More Stories
Erwin Tulfo sa mga nag-aala lawyer sa social media: DUTERTE INOSENTE HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYANG GUILTY
MARAMI PANG SISIBAKIN SA BI DAHIL SA PAGTAKAS NG PUGANTENG KOREANO
BASTE KAY MARCOS: PINAKULONG MO NAGPALIBING SA TATAY MO, P***** I** KA!