
TODAS ang dalawang pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy, Tambunong, Bocuaue, Bulacan dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Linggo.
Ayon sa Bulacan Provincial Police Office, nagtungo sa Sitio Tugatog ang anti-drug operatives ng Bocaue Municipal Office nang bigla silang paputukan ng mga suspek.
Agad binawian ng buhay ang isa sa mga pulis na isang staff sergeant habang idineklarang dead on arrival sa ospital ang kanyang kasamahan na isa ring staff sergeant.
Nagkasa na ang Boucaue MPS ng manhunt operation para sa mahuli ang nasa likod ng krimen.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO