Arestado ang isang AWOL (absent without official leave) na pulis at isang lalaking una umanong itinuring na saksi, habang apat pa kabilang ang isang sinibak na pulis ang pinaghahanap at pinatungan ng P300,000 pabuya bawat ulo kaugnay ng pamamaslang sa isang mensahero sa Valenzuela City.
Nasa kustodiya na ng pulisya sina Edgar Matis Batchar at Cpl Michael Bismar Castro, habang patuloy na pinaghahanap ang mga suspek na sina Rico Reyes, Narciso Cubos Santiago, ang sinibak na si Pat. Anthony Glua Cubos, at isang nakilala lamang bilang Jo-Anne Quijano Cabatuan.
Sa isang post sa Twitter ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa Twitter noong Martes ay nakasaad na P300,000 reward ang ibibigay sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroon ng mga susspek sa pagpatay kay Niño Luegi Hernando.
“WANTED! Patuloy na hinahanap ng pulisya ang apat pa na suspek na sangkot sa pagpatay, pagnanakaw at carnapping na ikinamatay ni Niño Luegi Hernando noong Oktubre 9, 2020. 300,000 Pesos pabuya para sa makakapagbigay ng impormasyon sa kanilang lokasyon,” ayon sa paskil ng Valenzuela City.
Tinodas si Hernando noong Oktubre 9 at tinangay ang dala niyang lapgpas P440,000 salapi at motorsiklo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA