ARESTADO ang dalawang pulis na itinuturong gumahasa at pumatay sa isang 15-anyos na dalagita sa Cabugao, Ilocos Sur kahapon.
Ayon kay P/Captain Benjamin Raquedan, hepe ng San Juan Police, dinisarmahan at dinala na nila sina kina S/Sgts. Marawi Torda at Dante Ramos sa holding area ng Provincial Police Office habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.
Sa imbestigasyon, kasama sa grupo ng mga kabataan sa isang party sa San Juan ang biktimang si Fabel Pineda at pinsan nitong 18-anyos na dalaga nang sitahin ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at social distancing.
Sinabi ni Cabugao Police Chief Capt. Ramil Llanares na sa kanyang teritoryo isinagawa ng dalawang pulis ang panggagahasa kina Pineda at pinsan nito na matapos hulihin ay inalok nilang ihatid pauwi. Gayunman, imbes na ihatid ay pinagsamantalahan umano ang magpinsan ng dalawang pulis pagkarating sa Cabugao noong Hulyo 1.
Ayon sa ulat, dakong alas -6 ng gabi kahapon papauwi na ang biktima at pinsan nito buhat sa Cabugao Police Station upang maghain ng kaso laban kina Torda at Ramos nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek.
Nanghingi umano ng police escort ang dalagita pauwi sa kanila sapagkat natatakot ito dahil mga pulis ang kanyang inireklamo ngunit tumanggi ang Cabugao Police.
Agad na isinugod sa malapit na hospital si Pineda subalit binawian din ng buhay. Hindi naman nasaktan ang kanyang tito at pinsan.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM